Minsan, pagdilat ng aking mga mata sa umaga
Nagbabakasali na ang araw ay nakangiti na
Sa mukha kong mukang patay na,
Sa mata kong mugtong mugto na.
Sa mga labi kong tuyong tuyo na,
Ngunit ang mga ngiti ay nagtatago pa
Sadyang ayaw talaga atang magpakita,
Kahit alam niyang ako’y hirap na.
Mga luha ko sa umaga ay tuyo’t na,
Wala nang gustong tumulo pa.
Ang boses ko ay gustong kumawala upang
Ipagsigawan na ‘Mahal Pa Rin Kita’.
Araw-araw nagsusumamo na sana ang
Dilim ay maging muling maliwanag.
Muling magningning sa ating dalawa.
Sana ang ulap sa kalangitan ay maglaho na,
Parang kasing bilis noong naglaho ka ,
Noong bigla ka na lang nawala,
Sana maglaho na, upang ang mga tanong
Mabigyan na ng kasagutan sana,
Baka sakaling ang araw ay ngumiti na.
Baka sakaling ang “sana” ay mawala na.
Baka ang mga mugtong mata’y pumungay na.
Baka ang patay na mukha ay mabuhay pa.