Paasa

Buwan na naman ng pag-ibig,

Uso na naman ang mga bulaklak,

Rosas, jasmine sa lansangan,

Umaasang kahit isang petal lang,

Ay mabigyan .

Buwan na naman ng pag-ibig,

Uso na naman ang pagbuo ,

Pagbuo sa mga walang kabiyak

Na puso.

Buwan na naman ng puso,

Uso na naman yung

Pagsuot sa damit na kulay pula,

Pagkatapos sa kalsada,

Irarampa nila.

Buwan na naman ng pag-ibig,

Uso na naman yung mga

Nakakakilig na kanta,

Buwan na naman ng pag-ibig,

Uso na naman kayong

Mga paasa .

Kaya pagsapit ng Pebrero,

Mga paasa, handang gawin,

Para makapagbiktima.

Akala mo mauubusan sila

Ng paninda.

Yung tipong akala mo

Sugo sila ni Darna,

“Ding ang bato”, pagkatapos

Mageevloved na.

Maghahanap ng mga babaeng,

Matitipuhan nila,

Gagawin ang lahat,

Para ang babae ay mapaniwala na

Itetext o kaya ichachat,

Lalambingin o kaya madalas

Babanat ng “Miss pagod ka naba?”

“kase kanina ka pa tumatakbo, sa isipan ko”

At ang mga babae, tanga,

Kaya dahil dun bumibigay na.

Kaya nang sumapit ang Pebrero singko, sila na

Oras-oras, araw-araw

Magkausap sila, o di kaya naman

Akala mo linta kung magkasama.

Hanggang sumapit ang Katorse ng Pebrero, ang pinakahihintay nila,

Magdadate sa kainang maganda,

Kikiligin sa prisensya ng bawat isa,

Hanggang sa milagro ay mangyari na.

Si babae, nablack out na,

Kaya paggising sa umaga, nabulaga siya,

Kumot na lang at unan ang kasama niya

Kase si lalaki ay lumayas nq,

Sapagkat ang katorse ng Pebrero ay tapos na.

Diba? Ang galing ng mga paasa,

Kagigilas ng mga modus nila,

Kaya kung ayaw mong umasa,

Ay mag-iingat ka.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s