Bitag

Ang hirap pigilan ng sarili na mahulog sayo.

Mahirap itali yung sarili na mahulog sa bitag mo.

Pero minsan napapaisip ako kung bitag ba talaga?

O baka naman “assumera” lang talaga ako.

Sa lahat ng kilos na pinapakita mo.

Wala  mang salitang lumalabas sa bibig mo,

Pero sa mga kilos na pinaparamdam mo,

Ibang-ibang sa turing ng isang kaibigan lang.

Bagama’t gusto kong magtanong sayo,

Pigil na pigil ang mga dila ko,

Baka kase pagtawanan mo lang ako.

Baka lumayo ka, o iwasan ako.

Kaya hindi ko ginawa at hinding –hindi ko gagawin,

Para sa pagkaka-ibigan natin.

Oo, pagkaka-ibigan lang, kaibigan.

Kaibigan, hanggang “hello”, “kamusta” lang,

Hindi maaring lumagpas, o sumobra sa “mahal kita”.

Pero minsan, maari namang “mahal kita, kaibigan” diba?

Pero mukang ang sagwa naman ata, kaya minsan laitan na lang

Para hindi halata na may ibang nararamdaman.

Para kahit hanggang kaibigan lang, makasama ka,

Kahit hanggang kaibigan lang, maipakita ko,

Maipakita at maiparamdam kong, ako’y nahulog.

Nahulog sa “bitag” mong, wala naman talaga.

 

Advertisements

Para sayo kahit alam kong tapos na tayo,

 

“Alam kong tapos na tayo. Alam kong tapos na tapos na tayo. Alam kong masaya kana, alam kong okay kana, alam kong nakamoved-on kana. Dalawang taon na ang lumipas, dalawang taon na ang lumipas simula nang huli kitang nakausap. Dalawang taon na ang lumipas simula nang nagkasama tayo, at simula noon wala na, wala ng TAYO.”

Dalawang taon na ang lumipas pero umaasa pa rin ako, nagbabakasali na baka puwede pang maulit, maulit yung mga panahon na merong tayo, na may masayang tayo. Umaasa ako na sana, maging okay ulet yung tayo, na sana maging akin ka at iyo ako. Umaasa ako na sana bumalik ka sa piling ko, na sana ako na lang ulet. Sana ako na lang yung nagpapangiti sa mga labi mo. Sana ako na lang ulet yung bumubo ng araw mo. Sana ako na lang ulet yung sinusundo mo’t hinahatid. Sana ako na lang ulet yung hinihintay mo, kahit ilang oras ko gusto.  Sana ako na lang ulet yung pumupuno diyan sa inbox mo. Oo, ako na lang ulet yung taong lalapitan mo kung may problema ka sa pamilya mo, o sa pag-aaral mo. Sana ako na lang ulet.

Taon man ang lumipas pero hindi ka pa rin mawala sa isip ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga tanong na, “what if?”. What if hindi ako sumuko at ipinaglaban ka? What if nakinig ako sa mga paliwanag mo? What if nagtiwala ako sayo, at hindi sa kanila, hindi kung kani-kanino? What if clingy ako, para sana hindi ka lumingon at nahumaling sa iba? What if hindi ako naging selfish at pinagbigyan ka? What if’s? Pero minsan naiisip ko rin, ako ba talaga yung problema? O ikaw talaga? Mahal, minahal, at minamahal pa rin kita. Dalawang taon na  ang lumipas, simula nang nahumaling ka sa iba, kaya iniwan kita. Alam mo kung ano ang kwento ko diba? Alam mo kung ano ang pinagdaraanan ko. Pero kahit alam mo,ginawa mo pa rin. Ginawa mo, inulet mo yung bagay na akala ko ay hinding hindi mo gagawin. De javu yung ginawa mo, ang sakit.

Iniwan kita hindi dahil sa hindi na kita mahal. Iniwan kita dahil sa hindi kita minahal. Oo, naging masakit yung mga sinabi ko nung nakipaghiwalay ako sayo. Pero mahal, nung naging tayo, kahit akala mo hindi ako kumapit pero akala mo lang. Kumapit ako hindi sa bagay na inaakala mo, kumapit ako. Mahigpit na mahigpit yung kapit ko diyan sa puso at isip mo. Pero sadyang kahit pala ganon na kahigpit yung kapit ko, pipiliin ko pa rin palang bitawan ito. Sapagkat mahal, ikaw na mismo yung kumawala. Kumawala sa paraang harap harapan mo kong ginawang tanga. Mahal kita, kaya pinaniwala ko yung sarili ko na baka nga, magkaibigan lang kayo. Hindi ko alam kung ano yung paniniwalaan ko. Kung yung puso kong gusto pa ring kumapit diyan sa puso mong lito, o kumapit sa puso ko para hindi na ito muling mabasag, mawarak, at umiyak pa. Mahal, hindi ko alam kung ano ang tamang gawin o kung ano ang pwedeng gawin, sapagkat na trauma ako sa sakit, sa hapdi, at sa pait ng puwedeng mangyari. Pero ganon pa man, kumapit ako diyan sa puso mo kahit alam kong, ikaw ay bumitiw na sa paghawak nito. Kumapit pa rin ako, kahit alam kong gusto mo ng humawak ng iba. Mahal, lumaban naman ako, pero napagod, nagsawa rin kagaya mo.

Mahal pasensya na kung naging biktima ka ng pagiging imbestigador ko. Pero salamat at nahulog ka sa bitag ko, sapagkat dahil dito napatunayan ko na tama nga lahat ng mga akala ko. Tama nga lahat ng mga hinuha ko.  Hindi ko man akalaing gagawin mo, pero ginawa mo. Nahumaling ka sa tukso, kahit lagi mong sinasabi na hindi ka gagaya sa kanya, sa kanila Katulad nga ng linya sa isang pelikula, “wala pa akong nakilalang lalakeng hindi nagloko.” Oo, tama, wala pa, kase akala ko ikaw na pero hindi pala. Mahal, kung nasaan ka man ngayon, hiling ko’y sana’y maging okay ka. Sana’y masaya ka sa kanya. Hiling kong sana’y hindi niya maramdaman ang pait, hapdi at kirot na naramdaman ko dahil sa iyo.

Alam kong tapos na tayo. Alam kong tapos na tapos na tayo. Alam kong masaya kana, alam kong okay kana, alam kong nakamoved-on kana. Dalawang taon na ang lumpipas, dalawang taon na ang lumpipas simula nang huli kitang nakausap. Dalawang taon na ang lumipas simula nang nagkasama tayo, at simula noon wala na, wala ng tayo. Umaasa akong darating yung panahon na magkikita tayong muli, magkaka-usap, magkakamustahan. Pinatawad na kita,  pero Mahal, mahal pa rin kita.

Umaasa ako na isang araw babalik lahat sa dati, babalik tayo sa pagiging magkaibigan, sapagkat doon tayo nagsimula.

“Doon tayo mas naging magaan sa isa’t isa. Sana doon , ang “tayo” ay muling maulet at hindi na muling magkaroon ng “sana”.

LIMANG TAON

Limang taon ang pinalipas

upang malaman na ang ako at ikaw

ay hindi na maaaring makaalpas

sa pagsubok ng pag-ibig.

Limang taon ang pinalipas

upang malaman na ang “tayo”

ay hanggang panaginp na lang

at hindi na maaaring maging katotohanan.

Oo, limang taon ang pinalipas,

upang malaman na hindi tayo itinadhana,

na ang inaasam na hinaharap natin,

ay magiging hinaharap niyo na lang pala.

Limang taon ang pinalipas,

upang sana’y ngayo’y maramdaman,

ang yakap, pag-iyak at pagtawa

habang sana tayo’y magkasama.

Pero limang taon lang pala ang pinalipas,

para lang pala maramdaman ko

ang sakit, kirot at hinagpis, na ang “ako at ikaw”,

ay hindi na magiging “tayo”

DSC_2075

Bakit Ba Ako Laging Mag-Isa?

Oo nga no? Bakit nga ba?

Ang tanong, lagi nga ba talaga?

O baka naman tuwing iiwan ka lang niya.

Tuwin magmamakaawa ka sa kanya,

Pagkatapos magmamaktol ka,

At ang bagsak, aalis pa rin siya.

Kahit anong gawin mong paraan,

Aalis at iiwan ka pa rin niya.

Maiiwan kang kaawa-awa,

Dahil sa tingin mo,

Mamamatay ka kung wala siya.

Hindi mo kaya ang mag-isa,

Hindi mo kaya ang mapag-isa,

Sapagkat lagi ka na lamang nakaasa sa kanya.

Mula sa paggising mo sa umaga,

Hanggang sa pagtulog mo sa gabi,

Lagi kang nakadepende sa kanya.

Bakit ka nga ba humantong sa puntong ito?

Anong nangyare sa pagiging matapong mo?

Saan napunta ang kalakasan na tinataglay mo?

Alam ko na! Saan nga ba napupunta ang lakas,

Ang lakas kapag nagmamahal?

Saan napupunta ang katapangan,

Kapag lubos na nagmamahal?

Maliwanag na ba sayo?

Sa akin maliwanag na ang lahat.

At ngayon kailangan kong bawiin ,

Bawiin ang lakas at tapang,

At ipalit sa kanya ang kahinaan.

Sapagkat ngayon lagi man akong mag-isa,

Pero hindi na katulad noon,

Na lagi na lamang pighati at luha.

Palagi man akong mag-isa,

Pero hindi na sa tuwing aalis ka.

Lagi akong mag-isa, dahil alam kong ito ay masaya.

“Minahal” ; Tapos na.

“Minahal kita sa paraang alam ko.”

 

Minahal kita, hindi dahil sa kailangan lang kita.

Minahal kita, hindi dahil sa itsura mo,

O hindi dahil sa anumang meron ka.

Minahal kita, hindi dahil ito ang uso.

Minahal kita, hindi dahil para sumikat ako.

Minahal kita, dahil MAHAL KITA.

Minahal kita dahil ito ang sinasabi,

At sinisigaw ng puso’t isip ko.

Minahal kita, dahil akala ko,

Mahal mo rin ako.

Minahal kita hanggang sa kaya ko.

Mahal, minahal kita higit pa sa inaakala ko,

Pero ngayon, minahal na lang kita.

Dahil ngayon, alang kong hindi na.

Be Positive

When I was in my elementary days, I’m so addicted to the idea of motivating others, especially to the pupils who were known for something. I am their cheer leader in making things possible. And never thought that those motivations I gave them, bounce back to me.

The idea of making the dreams possible for the sake of my mom is not that easy. It was a a hook and eye for us when my dad gave up on us. It was tough to face those challenges considering that you are the only person on Earth.

When my dad gave up on us, it seems that the Earth revolves and rotates faster. After that incident in our lives, many things happened and the circumstances were coming after another. I am on the climax of giving up already. I am on the climax of giving up on the dreams that my mom wanted for me. I am on the climax of ending the fight that I alone was facing. But, our Lord is truly an extraordinary, making things simple and easy. He made my climax an introduction to make a new story. He made another chapter, a good chapter to my ending climax.

He moved the mountains and showered rain to a drought life. And that was the beginning of my new life. The continuation of fighting a good fight. Even though I almost gave up on my faith to Him, He never gave up and will never gave up on me. And that was a humble care and love of Father to His children.

My biological father can always give up on me but my father, our father, up above will never be.

“Be positive and do not give up fighting whatever that is…”

Paano Ba?

Paano ba maging dalawa?

Para kahit paano, hindi ako mag-isa.

Paano maging tatlo?

Para maging “Just the Three of Us” at

Hindi lang “Just One”, ang kwento.

Paano ba? May ideya ka ba?

Kase ako wala, ngunit gustong gusto

Ko nang kumawala

Sa pagiging mag-isa, oo,

Palagi na lang akong mag-isa.

Kahit minsan tatlo tayo,

Pero madalas, pakiramdam ko,

AKO LANG!

Hindi ako alone, tama,

Pero pakiramdam ko,

Napaka-lonely ko.